KABOG

July 1st, 2008 by brenzmendez

Ako ay naghahanap-buhay sa isang internet cafe dito sa laguna. Siguro mga isang taon at kalahati na ako dito. dito rin ako natutulog dahil may kwarto nman. may CR din na mas malawak pa sa server nmin. nagtataka ako tuwing papasok ako sa CR nmin dahil bigla nalang bubukas at sasara ang pinto kahit wala nmang nagbubukas nito. Hindi nman sa bukas na bukas pero maririnig mo ang kalabog ng pinto. "BAAAG". Naicip ko, baka nman dahil sa hangin ng exhaust fan na nasa taas ng pinto. naicip ko rin na napakalakas nman ng hangin pa itulak ang pintong may spring at medyo mahirap buksan. Pero bakit ko naman tatakutin ang sarili koh? Hindi ako naniniwala sa multo. Kaya hindi ko nalang pinapansin yung kalabog ng pinto tuwing maririnig ko iyon sa loob ng CR. Isang tagarito ang nagrent skin ng PC at napa-pwesto malapit sa pinto ng CR. Nung narinig nya ung kalabog, sinabi nya skin na "Hanggang ngayon ba hindi prin siya natatahimik?!!" nagtaka ako kung sino ang sinasabihan nya at kung sino ang tinutukoy nya. pero nakatingin sya skin nung sinabi nya yun. kaya nagtanong aq, "ako ba?", sabi nya hindi. Yung nagbubukas ng pinto. Naikuwento nya sakin na dati raw itong grocery’s store. may ginahasa raw sa CR noon na isang Sales Promo. lumaki ang issue kaya sinara ang sinasabing Store. ilang beses na ito inupahan bago ito maging computershop ng pinsan ko. pagkatapos ng kanyang kwento ay muling kumalabog ang pinto. Sabi ko sa kanya na "Sa tagal ng panahon na dito aq natutulog, wala pang nagpapakita skin khit isang dwende. Exhaust fan ang dahilan kung bakit nakalabog ang pinto" sabay turo ko sa taas ng pinto.Sa exhaust fan na kanina ko pa pala napatay.

“BRAINLESS” Mga Kabobohan ni Brenz

June 17th, 2008 by brenzmendez

Brainless: Adjective

1. (not comparable) Having no brain

2. (comparable) unintelligent, with little common sense.

Wala akong ibang maisip kung saan ko sisimulan ang pagpapakilala ko sa bago kong Blog na ito. pero dahil narinig ko ang salitang BOBO at tinamaan ako *sapul talaga*,  unti-unting pumapasok sa aking blangkong pag-iisip ang nais kong ipahayag tungkol sa kabobohan ng aking pagka-tao.

"Salamat sa teacher kong mataba, Tumuwid ang bulol kong dila"

Iyan ang pangwakas kong salita sa aking tula noong ako ay nasa kinder pa. Bulol ako noong bata pa’ko. may sarili akong bigkas sa mga bagay-bagay na kailangan ko at hinahanap ko sa aking ina. narito ang ilang mga halimbawa.

1. Kumot - Pumot

2. shampoo - pampoo

3. sabon - chabon

4. kulambo - pumambo

5. Tubig - mamam

Musmos palang ako, suki na ng aking tenga ang salitang  bobo. tama! sa maliit na pagkakamali lang ay nasasabihan na ako ng bobo. narito ang isa sa halimbawa ng aking pagkabobo.

*naglalaro kami ng mga kaibigan ko ng basketball. ipinasa sakin ng kakampi ko ang bola at inihagis ang bola papunta sa ring. kaso kapos. >.<. sabi sakin ng kakampi ko, "Ay bobo! sana hindi ko nalang pinasa sa’yo".

Kung naipasok ko kaya ang bola sa ring ng pagkakataong iyon, matalino  ako! bibigyan nila ako ng malaking medalya. siguro magkakaroon ako ng scholarship sa isang kilalang mataas na paaralan. at bibigyan ako ng presidente ng pilipinas ng isang milyong piso. sayang talaga ang pagkakataong iyon.

Apat kaming magkakapatid. ako ang pangalawa sa panganay. Tulad ko, may kapatid at kamag-anak din ang salitang bobo. parang logic lang yan eh. ang bobo ay kapatid ni tanga, gunggong, ungas at utak-dikya. ang magulang nila ay sila p*tang *na at gag*. pinsan ni bobo si baliw, praning, topak, sira ulo, sira yan, at marami pang iba. pero extra lang sila dito. si bobo ang bida.

Naalala ko nung bata pa ako, pilit kong hinihiram sa kuya ko ang baril-barilan nya na kung tawagin ay "Pellet Gun". Ung may balang plastik na bulitas? sakit nun pag tinamaan ka. pinaheram naman sakin ni kuya. akala ko walang bala un. kaya umandar nanaman ang kabobohan ko. naghanap ako ng target at nakita ko si bunso. May target na’ko. ang mata ni bunso! tutal wala naman itong bala*bulong ko* At itinutok sa kanyang mata ang baril-barilan. sabay kalabit. "BANG!!!". May bala ang baril! tinamaan si bunso sa pagitan ng dalawang mata. binatukan ako ni kuya sabay sigaw ng "BOBO!!!!". Pano kung magaling ako bumaril at sa mata talaga tumama ung bala? eh di bulag na ung kapatid ko. Magiging masamang tao ako hindi lang sa mga kapatid ko, mga magulang ko, higit sa lahat ang mga kapit-bahay naming makakati ang dila. Buti nalang bobo ako bumaril. Ligtas si bunso. Simula noon, hindi na ako humawak ng Pellet Gun.

Dito sa Intertet Cafe kung saan ako nagta-trabaho, maraming matalino at maraming bobo. sila ang mga naglalaro ng Counter Strike at Dota. kapag may nagkamali, automatic sila ang sasabihan ng bobo. automatic din na ang mga nagsabi naman ng bobo ay ang mga matatalino at magagaling. araw-araw hindi nawawalan ng bobo dito. pero alam nyo ba na hindi lahat ng bobo ay kawawa?

Meron akong natuklasang isang grupo ng mga bobo sa internet. Dahil bobo ako, hindi ako nagdalawang isip na sumali at maging miyembro ang isang grupo na kung tawagin ay Bobong Pinoy Friendster Groups. nakakatuwa dahil gaya ko, bobo rin sila. sila ang aking mga kabobo. Lahat kami ay umiidulo sa isang Webmaster ng Bobongpinoy.com na wala na ngayon. Siya ay si Bob Ong na ngayon ay isang Misteryosong manunulat at may akda ng librong "ABNKKBSNPLAKo?!, Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino, Ang Paboritong libro ni Hudas, Alamat ng Gubat, Stainless Longanisa, at MACARTHUR".   

"Masarap maging kabobo"

Usapang “TAMA”

June 17th, 2008 by brenzmendez

Usapang tama tayo ngayon. Kung nanonood ka ng Stranges Brew sa telebisyon at nakikinig ng Brewrats sa radyo, suki sa pandinig mo ang salitang "TAMA!!!". Paboritong dialogue iyon ni Angel Rivero. hindi mabubuo ang nasabing programa kapag hindi mo narinig ang "TAMA".

Maiba tayo, Malamang alam mo ang katagang " Customer is always right". Customer is a King. Kagabi alas diyes imedya, pinatay ko na ang Aircon ng Internet cafe namin. isa nalang kasi ang natitirang customer at hanggang alas-dose ng madaling araw nalang kami. tinutok ko sa customer ang bintilador. Dun nya naramdaman na patay na pala ang Aircon. nagreklamo sya sakin at sinabing "Bakit mo pinatay ung aircon?! hindi ba ako customer?!!". Maayos naman ang paliwanag ko na nag-iisa nalang siyang natitira at malapit na mag-close ang cafe. Pero isinumbat niya sakin ang "Customer is always right". Grabe magreklamo si Gurang chatters! P15.00 lang ang 1 hour rate namin. sapat lang ang perang ibinayad nya para sa pagrent ng computer. libre na ang lamig ng aircon, hangin ng bintilador, liwanag ng ilaw, upuan, at security. Sige pagbigyan si Gurang Chatters. Binuksan ko uli ang aircon.

Hindi ako naniniwala sa "Customer is always right". dahil kung iyon ang susundin ko, aabuso ang customer. kahit anong i-utos nya tama? pano kung sabihin nyang "gahasain mo ako!"? o kaya nman "pa-rent ng computer tapos ako bayaran mo!".  kelangan ko ba silang sundin dahil customer sila at laging tama?

Mas naniniwala ako sa katagang  "Customer is not always right but always first". Hindi laging tama ang customer dahil hindi sila perpektong tao. Kaya madaming customer ang umaabuso at lumalaki ang ulo dahil sa katagang "Customer is always right".  Sapat nang paglingkuran ang customer sa saktong proseso. hindi kulang at hindi sobra. bilang isang empleyado, Kaya naming silang bigyan ng TCS or Total Customer Satisfaction pero wag sana kaming abusuhin. Hindi kami alipin, hindi utusan, tao rin kami! hindi nga lang halata! XD

Batihan Portion (Sensored)

June 17th, 2008 by brenzmendez

Binabati ko ang mga kaibigan kong tumulong at sumuporta sa akin para i-ayos at i-tama ang blog na ito. sila c Arizza, Mingming, Joyjoyjoy, TH Fey, Potpot, Kwagong Bulag, Boy labo, ‘nak dunnah, donna rose, at sa lahat ng mga kabobo ko. 

Simulan ang Batihan portion.

Naalala ko ang isa kong kaibigan na itago na natin sa pangalang "ineng Buang" (tunay nya yatang pangalan?^^). meron cyang Blog about "Masturbation". sa tulong nya ay napag-alaman ko na bata plang tay0 at minsan ay hindi natin nalalaman na tayo pala ay nagbabate na (Nagmamasturbate) sa mga simpleng gawain lang. halimbawa d2 ay ang paglalaro ng ating maselang bahagi at ang tinatawag nilang "Pagkukuyakoy".

Ngunit dahil siya ay humihingi ng kumento , napilitan akong magsaliksik sa nasabing paksa. Nagulat ako ng aking mabasa ang mga effects ng masturbation! ang inaasahan ko ay negative o nakakasama sa kalusugan ang aking mababasa. subalit nabig0 ako! dahil ito ang aking nadiskubre (nakalimutan ko ung saktong site).

Ang mga effects ng masturbation?!!

Masturbation can increase self-knowledge:
Sex educators don’t call masturbation the cornerstone of sexual health for nothing. Masturbation is the first, safest, and best way to get to know how your sexual body works. You can learn what turns you on and what doesn’t. You can learn how to give yourself sexual pleasure in a hurry, or when you’ve got nothing but time. As an educational tool, masturbation is better than any textbook, video or website you’ll ever read (that includes this one!).

Masturbation can lead to self-discovery:
Even if you know how to get the job done, masturbatorally speaking, your capacity to feel sexual pleasure is limitless and masturbation is a great way to find new functions for familiar parts. Often when we’re having sex with a partner we might be too self-conscious, shy, or otherwise distracted to pay close attention to what’s happening in our own body. Masturbation, when you’re doing it by yourself, allows you to focus on the subtlety of your own sexual response , and possibly discover things you hadn’t previously realized were part of your sexuality.

Masturbation is nature’s sleep aid:
While thinking about sex might keep you up at night having it, including masturbation, is a great way to deal with insomnia. In a 2000 study of U.S. women, 32% said that in the past three months they masturbated as a way to fall asleep. Whether it’s because of the hormones and endorphins released following orgasm, the benefits of clearing your head, or the mini cardio workout, masturbation that ends in orgasm is a great way to get to sleep without pills, television, or counting sheep.

Masturbation provides pain relief:
Whether you’re experiencing temporary or chronic pain from sore joints, headaches, menstrual cramps, or other causes, masturbation and orgasm can, in some cases, provide natural pain relief. While we don’t know exactly why, research has documented arousal and orgasm resulting in reduced pain thresholds. It’s worth pointing out that for some conditions (like migraine headaches ) orgasm can either reduce the pain or increase it.

Masturbation is a great stress reliever:
Several studies have documented the relaxation effects of masturbation induced orgasm. Aside from the physical benefits, masturbation, when you’re doing it right, is all about “you time” and taking time to focus on yourself is a great way to break up the stress of a busy life. Particularly when used with sexual fantasy, masturbation can be a great escape, a way to let off some steam, and while masturbation alone might not be enough to deal with all the stress in your life, it’s a healthy, free, and non-pharmaceutical tool right at your fingertips (or other body part or sex toy, as the case may be).

Masturbation may offer cancer prevention:
Two recent studies found a link between the number of times a man ejaculates and the likelihood of getting prostate cancer. The prostate gland produces and stores seminal fluid and the fluid can build up in the prostate if a man goes a long time without ejaculating. This build up isn’t always a problem, but in the studies men who ejaculate more were less likely to be diagnosed with prostate cancer. Another researcher has proposed a theory that orgasm may offer some protective effect against breast cancer via oxytocin released at orgasm.

Dahil sa mga nabasa natin, nagkaroon ako ng idea kung anong dapat gawin kapag hindi ako makatulog. At iyon ay ang pagkukuyakoy.